Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

Pinapataas ng stress ang panganib na magkaroon ng kanser

Ang sinasabi ng agham sa atin

Kadalasang nawawala pagkatapos ng nakaka-stress na kaganapan ang pansamantala o acute na stress, tulad ng stress na maaaring maramdaman mo bago magbigay ng talumpati. Gayunpaman, mas nakakasama ang pangmatagalan o chronic na stress.

Puwedeng pahinain ng chronic na stress ang iyong immune system at pataasin ang iyong presyon ng dugo, bilis ng pagtibok ng puso, at antas ng asukal sa dugo. Posibleng humina ka laban sa mga sakit tulad ng kanser, mga sakit sa pagtunaw ng pagkain, at depresyon dahil sa chronic na stress (MD Anderson). Dagdag pa, ang mga taong nakakaranas ng stress ay maaaring magkaroon ng mga pag-uugaling hindi mabuti sa kalusugan, tulad ng paninigarilyo, labis na pagkain, o pag-inom ng alak, at lahat ng ito ay kilalang salik sa panganib na magkaroon ng kanser (NCI).

Maaari ding hadlangan ng mga hormone ng stress ang prosesong tinatawag na anoikis, na pumapatay sa mga may sakit na selula at pinipigilan ang mga ito mula sa pagkalat. Maaaring pahinain nito ang natural na kakayahan ng taong labanan ang paglaki ng kanser (MD Anderson).

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Kung hindi mo maalis ang pinanggagalingan ng stress, subukang alamin kung paano pamahalaan ito. Ilang paraan para sa pagbawas ng stress ang pakikipag-usap sa propesyonal, pag-yoga o pag-meditate, pagsasagawa ng terapiya sa sining o musika, hiking, at pagpapamasahe (MD Anderson). Matulog ng kinakailangang 8 oras o higit pa bawat gabi. Kailangan ang sapat na tulog bawat gabi para sa wastong paggana ng immune system, at naaapektuhan din nito ang pakiramdam, alaala, at kakayahang tumuon.

Ang dapat tandaan

Humihina ang tao laban sa kanser at ibang sakit dahil sa chronic (pangmatagalang) stress. Maraming paraan para mabawasan ang stress (tulad ng pag-yoga, pag-mediate, at pag-ehersisyo); mahalagang maghanap ng mga paraang gumagana para sa iyo.

MD Anderson: Stress and cancer (Stress at kanser)
MD Anderson: Cutting stress (Pagbabawas ng stress)
National Cancer Institute (NCI o Pambansang Institusyon para sa Kanser): Psychological stress and cancer (Sikolohikal na stress at kanser)

Petsa

Hunyo 30, 2021
Naberipika/na-update: Enero 26, 2022