Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang pag-inom ng alak
Ang maaaring narinig mo
Pinapataas ng pag-inom ng alak ang panganib na magkaroon ka ng kanser.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Ang mga inuming may alak na may ethanol ay itinuturing na mga psychoactive substance ng WHO (WHO). Maaari itong magdulot ng mga nakakasamang epekto sa katawan. Humahantong ang pag-inom ng alak sa pagkaipon ng acetaldehyde, na nakakalasong byproduct ng ethanol (purong alkohol). Kino-covert sa atay ang ethanol para maging acetaldehyde, at kapag maraming acetaldehyde, hinahadlangan nito ang proseso ng pag-bind ng DNA. Dahil dito, hindi dumarami nang wasto ang mga selula. Nagdudulot din ang pag-inom ng alak ng pinsala sa tisyu. Dahil dito, humihina ang mga selula sa surface laban sa mga carcinogen.
Epidemiological na Katibayan
May malakas na pagsang-ayon na ang pag-inom ng alak ay makakadulot ng ilang uri ng kanser, at naklasipika ito bilang Group 1 carcinogen na (na nangangahulugang nakakadulot ito ng kanser sa tao) ng International Agency for Research on Cancer (IARC o Pandaigdigang Ahensiya para sa Pananaliksik sa Kanser) (ACS). May malakas na “ugnayan sa pagitan ng dosis at reaksyon (dose-response association)” sa pagitan ng pag-inom ng alak at kanser (kapag mas marami ang alak na regular na iniinom ng tao sa paglipas ng panahon, mas mataas ang panganib na magkaroon ang taong iyon ng kanser na nauugnay sa alak):
- Ulo at leeg: Mas malaki nang 1.8 beses ang panganib na magkaroon ng kanser sa bibig at pharynx (lalamunan), at mas malaki nang 1.4 beses na magkaroon ng mga kanser sa larynx (voice box) ang mga umiinom nang katamtamang dami kaysa mga hindi umiinom. Mas malaki nang 5 beses ang panganib na magkaroon ng kanser sa bibig at pharynx, at mas malaki nang 2.6 na beses na magkaroon ng mga kanser sa larynx (voice box) ang mga umiinom nang marami (NCI).
- Esophageal: Kumpara sa mga hindi umiinom ng alak, mas malaki nang 1.3 beses ang panganib para sa mga umiinom ng kaunting alak, at halos 5 beses ang laki para sa mga umiinom nang marami (NCI).
- Atay: Nauugnay ang pag-inom ng maraming alak sa tinatantiyang 2 beses na mas malaking panganib na magkaroon ng dalawang uri ng kanser sa atay (hepatocellular carcinoma at intrahepatic cholangiocarcinoma) (NCI).
- Suso: Mas malaki ang panganib na magkaroon ng kanser sa mga umiinom nang katamtaman (1.23 beses na mas malaki) at umiinom nang marami (1.6 na mas malaki) (NCI).
- Colorectal: Nauugnay ang katamtaman at maraming pag-inom ng alak sa 1.2 hanggang 1.5 na paglaki ng panganib na magkaroon ng mga kanser sa colon at rectum, kumpara sa hindi pag-inom ng alak (NCI).
Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
Ipinapakita ng mga pag-aaral sa hayop, lalo na ng mga pag-aaral sa daga, na humahantong ang pag-inom ng alak sa pagbuo ng mga tumor (NIH).
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 1 (Carcinogenic sa mga tao; “Ethanol sa mga inuming may alak”)
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Kung may iinom ng alak, dapat ay katamtaman ang dami ng pag-inom (NCI). Ang katamtamang pag-inom ng alak ay hanggang 1 inumin kada araw para sa mga babae at hanggang 2 inumin kada araw para sa mga lalaki. Ang labis na pag-inom ng alak ay tinutukoy bilang pag-inom ng 4 o higit pang inumin sa isang araw o 8 o higit pang inumin kada linggo para sa mga babae. Para sa mga lalaki, ang labis na pag-inom ng alak ay tinutukoy bilang pag-inom ng 5 o higit pang inumin sa isang araw o 15 o higit pang inumin kada linggo.
Ang dapat tandaan
Ang pag-inom ng alak ay nagpapataas sa panganib na magkaroon ng ilang uri ng kanser. Inirerekomenda ng mga alituntunin ng US ang katamtamang pag-inom ng alak (hanggang 1 inumin kada araw para sa mga babae at hanggang 2 inumin kada araw para sa mga lalaki).
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
National Cancer Institute (NCI o Pambansang Institusyon para sa Kanser): Alcohol and cancer (Alak at kanser)
Centers for Disease Control and Prevention (CDC o Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit): Alcohol and cancer (Alak at kanser)
American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Alcohol use and cancer (Pag-inom ng alak at kanser)
MD Anderson: Alcohol and cancer (MD Anderson: Alak at kanser)
American Institute of Cancer Research (Institusyon para sa Pananaliksik sa Kanser ng Amerika): Drinking and cancer (Pag-inom at kanser)
Studies of Cancer in Experimental Animals (Mga Pag-aaral sa Kanser sa mga Pang-eskperimentong Hayop) (NIH)
Petsa
Hunyo 24, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022