Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang kape
Ang maaaring narinig mo
Pinapataas ng pag-inom ng kape ang panganib na magkaroon ka ng kanser.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Epidemiological na Katibayan
Ang pag-inom ng kape ay hindi sanhi ng kanser sa suso, pancreas, o prostate, at maaaring mabawasan din nito ang panganib na magkaroon ng mga endometrial at colorectal cancer, at kanser sa ulo at leeg, at atay (ACS) . May katibayan din na ang pag-inom ng kape ay nauugnay sa mas mababang panganib ng paglaban sa insulin at type 2 na diyabetis (ACS). Ipinapakita ng ilang epidemiological na pag-aaral na hindi pinapataas ng pag-inom ng kape ang panganib na magkaroon ng kanser (Zhao).
Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
Marami sa alalahanin pagdating sa pag-inom ng kape at kanser ay mula sa katotohonang maaaring may kemikal na acrylamide ang kape, na nabubuo sa proseso ng pag-roast. Naipakitang nagdudulot ang acrylamide ng kanser sa mga hayop na nalantad sa napakatataas na dosis (ACS). Naipakitang nagdudulot ang acrylamide ng kanser sa mga hayop na nalantad sa napakatataas na dosis. Natuklasan ng mga pag-aaral na ito na ang pag-inom ng kape ay hindi nagdudulot ng kanser sa mga daga (IARC).
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 3 (Hindi maklasipika pagdating sa pagiging carcinogenic nito sa mga tao).
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Mukhang may mga benepisyo sa kalusugan ang pag-inom ng kape. Kung nag-aalala ka sa pagkalantad sa acrylamide, puwede mong bawasan at limitahan ang dami ng pagkaing kinakain mo na niluluto sa matataas na temperatura (habang nagpiprito, nagro-roast, at nagbe-bake) sa loob ng matagal na panahon (ACS).
Ang dapat tandaan
Ang pag-inom ng kape ay nauugnay sa mas mababang panganib na magkaroon ng mga endometrial at colorectacl cancer, at kanser sa ulo at leg, at atay. Maaaring mabawasan din ng pag-inom ng kape ang panganib ng paglaban sa insulin at type 2 na diyabetis.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Coffee and cancer (Kape at kanser)
American Institute for Cancer Research (Institusyon para sa Pananaliksik sa Kanser ng Amerika): Coffee and cancer (Kape at kanser)
Petsa
Inilathala: Hunyo 24, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022