Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang naprosesong karne
Ang maaaring narinig mo
Pinapataas ng pagkain ng mga naprosesong karne ang panganib na magkaron ng kanser.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Nabago ang naprosesong karne sa pamamagitan ng pag-cure, pagpapausok, paglalagay ng asin, pag-ferment, at ibang proseso para matulungang i-preserve ang mga ito o pabutihin ang lasa. Karaniwang gawa sa baboy o baka ang mga naprosesong karne, tulad ng bacon, sausage, ham, bologna, hot dog, at mga deli meat tulad ng manok at pabo.
Epidemiological na Katibayan
Noong 2015, sinabi ng International Agency for Research on Cancer (IARC o Pandaigdigang Ahensiya para sa Pananaliksik sa Kanser) na Group 1 na carcinogen ang naprosesong karne, na nangangahulugang carcinogenic (o nagdudulot ng kanser) ito sa mga tao, batay sa katibayan para sa pagkakaroon ng mas mataas na panganib na magkaroon ng colorectal cancer (IARC). Ipinapahiwatig din ng mga kamakailang pag-aaral na posibleng may papel ang naprosesong karne sa mas mataas na panganib na magkaroon ng kanser sa suso at prostate, ngunit kailangan pa ng mas maraming pananaliksik. Hindi pa alam kung may ligtas na antas para sa pagkain ng naprosesong karne.
Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
Ipinakita ng ilang pag-aaral sa hayop ang pagkakaroon ng kanser sa colon sa mga pag-aaral sa daga, na higit pang sumusuporta sa epidemiological na katibayan (Lyon).
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 1 (Carcinogenic sa mga tao)
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Inuulat ng American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika) na hindi bababa sa 18% ng lahat ng kanser at 16% ng lahat ng pagkamatay dahil sa kanser sa U.S. ang nauugnay sa labis na timbang, kawalan ng pisikal na aktibidad, at/o hindi sapat na nutrisyon (ACS). Kabilang sa masustansiyang pagkain ang mga pagkaing maraming sustansiya, sa mga daming makakatulong na maabot at mapanatili ang malusog na timbang Limitahan o iwasan ang mga pula at naprosesong karne, inuming pinatamis ng asukal, naprosesong pagkain, at refined grain na produkto. Sa halip, pumili ng mga protinang tulad ng isda, manok, at mani (ACS).
Ang dapat tandaan
Limitahan o iwasan ang mga pula at naprosesong karne at palitan ang mga ito ng mga protinang tulad ng isda, manok, at mani.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Diet guidelines (Mga alituntunin sa diyeta)
Cleveland Clinic: Cancer and processed meats (Kanser at mga pinrosesong karne)
Cancer Council: Processed meat and cancer (Pinrosesong karne at kanser)
International Agency for Research on Cancer (IARC o Pandaigdigang Ahensiya para sa Pananaliksik sa Kanser): Red meat and processed meat (Pulang karne at pinrosesong karne)
Petsa
Inilathala: Hunyo 1, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022