Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
May mga residue (aflatoxin) sa mga disposable na chopstick na nagdudulot ng kanser
Ang maaaring narinig mo
May mga kemikal na nagdudulot ng kanser ang mga disposable na chopstick na ginagawa para sa maramihang pagbenta.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Hindi pa napapatunayan ang pahayag na may aflatoxin, isang kilalang carcinogen, ang mga disposable na chopstick. Ang mga aflatoxin ay mga kemikal na binubuo ng ilang partikular na fungus at makikita ang mga ito sa mga pang-agrikulturang pananim tulad ng mais, mani, at tree nut. Maaaring malantad ang mga tao sa mga aflatoxin sa pamamagitan ng pagkain ng mga kontaminadong produktong mula sa halaman o sa pamamagitan ng pagkain ng karne o dairy (gatas, keso, atbp.) mula sa hayop na kumain ng kontaminadong pakain. Nahanap ang mga aflatoxin sa ilang peanut butter at sesame paste na binebenta nang maramihan (NCI).
Epidemiological na Katibayan
Ang pagmamanupaktura ng mga disposable na chopstick ay mahigpit na kontrolado ng FDA at EPA, na parehong tumutulong na matiyak ang nabawasang pagkalantad. Kasalukuyang walang epidemiological na katibayan na may mga aflatoxin sa mga disposable na chopstick.
Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
Walang toxicological na katibayan na may aflatoxin sa mga disposable na chopstick.
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Walang aflatoxin ang mga kahoy na chopstick at ligtas gamitin ang mga ito para sa pagkain.
Ang dapat tandaan
Walang katibayan na ang mga disposable na chopstick ay nauugnay sa mas mataas na panganib na magkaroon ng kanser.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
National Cancer Institute (NCI o Pambansang Institusyon para sa Kanser): Aflatoxins
Kumar et al.: Aflatoxins: A Global Concern for Food Safety, Human Health and Their Management
Petsa
Inilathala: Hunyo 24, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022